Nagpakamatay si Minea sapagkat hindi niya matanggap na nakipagtalik siya kay Hagorn na nag-anyong bilang Raquim. Kaya sinisisi niya ang kanyang sarili sa pangyayari. Dahil dito ay naglaban sila Hagorn at Raquim ngunit napahinto sila nang magpakamatay si Minea. Tuluyan na kayang mawalan ng buhay si Minea? O magamot pa rin siya ni Raquim?
Sa kabilang banda, humarap si Cassiopeia sa tatlong heran na sila Hera Odessa, Hera Andora at Hera Juvilla kasama ang sapirian na si Alexus. Sinabi ni Cassiopeia kay Alexus na siya ay hindi tunay na kaanib ng mga Etherian, na siya ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Odessa, at kung kanyang nanaisin ay babalik ang kanyang alaala at mawawalan ng bisa ang kapangyarihan ni Odessa, ngunit nahinto si Cassiopeia ng siya ay gamitan ng kapangyarihan ni Andora. Sakto namang dumating si Danaya, mailigtas kaya niya si Cassiopeia? Ano ang mangyayari sa mga sanggre kung tuluyang mamatay si Minea? Abangan...