Friday, January 20, 2006

January 19, 2006 Episode (Etheria)

ANG LABAN
Nagsimula na ang laban ng mga sangrre laban sa mga Etherian. Ipinamalas ni Alena ang kanyang kapangyarihang boses upang matalo ang ilang kawal ng Etherian, subalit agad siyang nanghina. Tinawag naman ni AMihan ang kanyang kambal diwa na si Aera upang tulungan sila sa pakikipaglaban. Natalo nga nila ang ilang kawal ng Etheria. Subalit pag dating sa mga mandirigmang Heran na sila Hera Juvilla at Hera Andora, ni mahawakan sila ay di nila magawa sapagkat lubhang malakas ang kanilang mga kapangyarihan. May kakayahan si Andora na mabasa ang mga iniisp ng isang nilalang at si Juvilla naman ay maykakayahang pabagalin at pabilisin ang oras. Tinangka ni Danaya na labanan si Andora subalit hindi pa ito nakakalapit ng husto ay napatumba na kaagad siya ni Andora ng di man lang ito nahirapan. At si Pirena at nagtangka din laban kay Juvilla ngunit nagkamali ito at siya ay nasugatan sa kanang balikat ng sandata ni Juvilla. Lubhang napakabilis at napakalakas ni Juvilla. Dahil dito ay nagpasya ang mga sanggre na tumakas sa pamamagitan ng paglaho na ibinigay na kapangyarihan sa kanila ni Evades. Dahil dito ay nag utos si Avria na kitilin ang buhay ng bawat diwata na makikita sa Encantadia hanggat di natatagpuan ang apat na sanggre. Samantala napadpad ang apat na sanggre sa kagubatan ng Encantadia at sa di inaasahan ay nagkita sila nila Asval. Tinulungan ni Asval si Pirena at pinagaling niya ang sugat nito. Ngunit hindi pa rin tiwala ang mga sanggre kay Asval gayong alam nila kung ano ang ugali nito sa hinaharap. Papaano kaya matatalo ng mga Sanggre ang mga Etherian at makuha ang ginintuang orasan upang mailigtas si Cassandra? Subaybayan....

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home