January 24, 2006 Episode (Etheria)
Ang Mag Amang Amarro at Aquil
Nagkita na sila Danaya, Aquil at Amarro. Tinulungan ni Danaya na magamot si Amarro dahil sa tinamo nitong sugat ng silay makipaglaban sa ilang kawal ng Etherian. Masayang masaya si Danaya sapagkat naroroon si Aquil na kanyang inibig sa hinaharap. Samantala, itinuring na ng mga Etherian si Raquim na isang kalaban at siyay pinapapatay ni Reyna Avria dahil sa ginawa nitong pagtulong sa mga diwata laban sa mga Etherian. Dahil dito ay natagpuan siya kasama ng mga diwatang kanyang inililigtas ng mga kawal ng Etheria, ngunit hindi siya nadakip sapagkat dumating si Minea at sila'y tinulungan. Sa kabilang banda, sinalakay ng ilang kawal ng Etheria ang magkasamang sila Amarro at Amihan. Natalo nila ang mga kawal subalit nasugatan at nawalan ng malay si Amihan. Ano ang mangyayari kay Amihan? Magbalik kaya ang alaala ni Ybrahim sa oras na magkita sila ni Alena? Abangan...

0 Comments:
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home