Friday, January 27, 2006

January 26, 2006 Episode (Etheria)

Ang Ginintuan Orasan
Nagkita na si Alena at Ybrahim ngunit hindi sila nagkalapit sapagkat pinigilan ni Pirena si Alena, at dahil na din walang matandaan si Ybrahim sa kanyang nakaraan kayat di niya nakikilala si Alena na kanyang kabiyak. Naghahanap naman ng kasagutan si Minea sa nalaman niya tungkol sa kanyang pagkatao lalo na ang balat niya sa kanyang likuran na marka ng isang diwata. Samantala s Etheria nakapasok at nalaman na nila Pirena at Alena kung saan itinatago ng mga Etherian ang Ginintuang Orasan sa pamamagitan ng pagbabalat-kayo ni Pirena (Nag anyong Reyna Avria) bilang si Reyna Avria na isa sa kanyang angking kapangyarihan. Ngunit dumating ang mga Heran na sila Odessa at Andora at sila at nakita. Nagtataka ang mga Heran kung bakit kasama ng Reyna ng mga Etheria ang isa sa apat na diwata (Si Alena). Malaman kaya ng mga Heran na ang Avria na kaharap nila at Si Pirena? Paano ito matatakasan ng ga Sanggre? Magbalik na kaya ang kaisipan ni Ybrahim gayong sinabi sa kanya ni Alena na siya ang kanyang asawa? Magkita na kaya ang mag-amang Raquim at Amihan? Abangan...

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home