January 27, 2006 Episode (Etheria)
Nagkita na ang mag-amang Amihan at Raquim, mabuti at napigilan ni amihan ang kanyang sarili na sabihin kay Raquim na siya ang kanyang Ama. Samantala, nagtungo sa Batis ng Katotohanan si Alena at kanyang nalaman na ang Sapirian na nakita niya ay siyang tunay na si Ybrahim na kanyang asawa. Sa di inaasahan at natagpuan siya ni Animus sa Batis ng katotohanan ay sa kasamaang palad ay napatay ni Alena si Animus (kapatid ni Andora na naghahanap sa mahiwagang Olontre upang magkaron ng pambihirang lakas na tatalo kay Juvilla upang kanyang maging asawa). Nagpasya naman sila Pirena, Amihan at danaya na hanapin si Alena at magtungo sa Etheria upang hanapin at kunin ang ginintuang orasan. Ngunit ito ay hindi magiging madali. Malapit na kaya maganap ang digmaan sa Encantadia? Ang Etheria laban sa mga Sapirian, Diwata, Adamyan at Hator, sapagkat ayon sa kasaysayan ang pagkamatay ni Animus ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng digmaan. Bumalik na kaya ang mga brilyante ng mga sanggre? Subaybayan...

0 Comments:
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home