January 30, 2006 Episode (Etheria)
Ang kapalit ni Animus
Natagpuan ni Andora ang kanyang kapatid na si Animus sa Batis ng katotohanan na wala ng buhay. Binasa niya ang isipan ni Animus at kanyang nalaman na si Alena ang kumitil ng buhay nito. Nagtungo sila ni Odessa kasama si Alexus / Ybrahim sa Hera Andal upang ipaalam kay Reyna Avria ang nangyari. Humingi naman ng tulong si Reyna Avria sa kanilang Bathalumang Ether upang malaman kung sino at saan ba talaga nanggaling ang apat na diwata. Nalaman niya na galing ito mula sa Kinabukasan at nagbalik upang kunin at ginintuang Orasan at tutulong sa pagbagsak ng Etheria. Inalok naman ni Reyna Avria si Andora na muli niyang bubuhayin ang kapatid nitong si Animus kung magagawa nitong paslangin ang buhay ni Ornea na ina ni Cassiopeia gamit ang kabilan. Pumayag kaya siya?
Samantala, nahuli ni Hagorn si Raquim at Minea na magkasama sa isang kweba. Malaman kaya ni Hagorn na ang Minea na kanyang magiging kaisang dibdib at siya ring babaeng iniibig ng kanyang matalik na kaibigan na si Raquim? Gumagawa na ng hakbang ang mga sanggre kung papaano makukuha ang ginintuang orasan gayong alam na ni Alena at Pirena kung saan ito naroroon. Abangan...

0 Comments:
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home