January 31, 2006 Episode (Etheria)
Ang Mahiwagang Silid
Hindi mapalagay ang isipan ni Minea sapagkat nalaman niya mula kay Raquim na katulad niya ang apat na diwata na may marka sa likod na katulad ng sa kanya (Minea). Pilit niyang hinahanap ang kasagutan, kung siya ay isa ba talagang diwata na kanyang kinamumuhian. Samantala nalaman na din ni Hagorn na ang iniibig niyang si Minea ay siya ring mahal ni Raquim. Nagtungo naman ang apat na sanggre sa Etheria upang kunin ang ginintuang orasan, dahil dio ay nag alala si Aquil na baka silay mapahamak, kaya kahit bata siya ay sumunod siya sa Etheria. Nalaman naman ni Avria na may nagtatangka sa ginintuang orasan sa pamamagitan ng pagbigay ng sinyales ng kanilang Bathalumang Ether. Naghanda si Avria at ang kanilang mga kawal upang hindi ito mangyari. Kinitil na ni Andora ang buhay ni Ornea na ina ni cassiopeia, mabuhay kaya muli si Animus na kanyang kapatid? Sa Etheria, pinagsama sama ng mga sanggre ang apat na piraso ng medalyon. Nagbago ang kanilang kasuotan at napalitan ito ng gayak na pandigma. Ngunit hindi pa sapat ang kanilang kapangyarihan sapagkat wala sa kanila ang kanilang mga brilyante. Ano ang mangyayari sa mga sanggre? Magawa kaya nilang wasakin ang Ginintuang orasan? Abangan...

0 Comments:
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home